Sunday, May 26, 2019

TIPS PARA SA MGA FRESH GRAD JOB HUNTER!


Hi! kung fresh grad ka at nag hahanap ng trabaho nasa tamang website ka dahil ibibigay ko yung mga tips para sa inyo. Yes, nakaka pressure talaga kapag graduate kana at yung mga ka batch mate mo may work na tapos ikaw wala parin hangang ngayon? I know that feeling kalma kalang kasi darating din young time para sayo.

Step 1: (RESUME) Ihanda mo na yung pangmalakasan mong resume!

 sa paggawa ng resume ilalagay mo lang yung contact information mo, pictures mo sa gilid, objectives, knowledge at skills, educational background mo importante yan, working experience or professional background mo, personal information mo at last yung last character reference.

Step 2: (SSS, PHILHEALTH, PAGIBIG) i suggest na iready mo narin to.

As part ng pagiging adult hahahah! kailangan mo narin iready tong mga to madali lang mag apply ng sss, philhealth at pagibig dahil lahat yan meron naman registration online di mo na kailangan pumila pa ng mahaba sa office nila.

Step 3: (LOOK FOR A JOB) Nandito kana sa part bes na pinaka challenging.

Madaming paraan para mag hanap ng trabaho bes pwedeng walk in, meron ding app (jobstreet) so far sa app yan yung pinaka legit, then social media ingat nga lang sa mga scammer check nyo kung legit wag tamad mag research ka! So pano ka nga ba mag reready? kung computer related course ka syempre yung work na applyan mo dapat computer related din send ka lang ng application mo sa jobstreet at wait ka lang ng interview invitation mo sa gmail. every time na pupunta ka sa office nila wag mo kalilimutang mag dala ng copy ng resume mo minimum of 2 at valid id's.

 Step 4: (INTERVIEW) Yes, nakaka kaba pero walang imposible kapag prepare ka.

Kung nakapag send kana ng application mo thru online mag ready kana dahil magugulat kana lang sa mga bigla biglang tatawag sayo, pero syempre para dika mabigla mag ready kana pwede ka gumawa ng kodigo kasi sa phone interview palang naman ano ba yung mga dapat mong ilista sa kodigo mo? educational background mo, yung ojt mo tapos tatanungin kalang para sa availability mo for face to face interview. Sa face to face interview usually may exam yan kapag napasa mo yung exam mag proproceed kana sa final interview kaya before ka sumabak mag review ka ng marami para mas mataas yung chances na makakasagot ka sa exam at final interview.

Step 5: (APPLY AGAIN) Apply lang ng apply bes!

Pag nag apply ka di naman agad agad matatanggap ka minsan aasahin ka mga yan gaya ng ex mo hahaha kaya wag mo sila aantayin apply ka ulit tanggap ka ulit ng mga interview lagi alng mag ready at wag kalimutan mag research tungkol sa company na applyan mo kung di ka gaano marunong byumahe i suggest na gumamit ka ng google map para di ka maligaw ganyan lang din ginagawa ko hahahahaha. At mag hintay kalang hanggang mag success ka at inbitahan kana for Job offer.

Step 6: (JOB OFFER) Finaly bes congrats because you did it!

Dito sa part na to tatawagan ka ng hr at sasabihin for job offer kana di kana unemployed bes hahahaha pipirma kana ng JO mo so tips lang bago kayo pumirma basahing mabuti wag pirma ng pirma tignan nyo mabuti yung magiging work nyo at benefits ng company.

Step 7: (ORIENTATION) O-orient kana nila.

Welcome to your work! before ka mag start pumasok sa work mo ipa-familiarize ka nila sa company lahat ng pwede nilang ituro sayo tuturo na nila kaya tips ko lang makinig ka ng maayos at mag notes ka para d mo makalimutan.

Ayun lang thanks for reading and goodluck sa pag hahanap mo ng work wag susuko at maging ma tyaga lang walang bagay na madali at walang bagay na mahirap pag pinag tyagaan!




No comments:

Post a Comment

BAKIT MASAYA MAG ARAL SA NEW ERA UNIVERSITY?

Bakit nga ba masaya mag aral sa New Era University? Kung plano mo mag aral sa New Era University you had a right choice hahaha. New Era U...